‘Wag masungit sa grocery sabi ni Nicole Hyala

Uso ngayon ang panic buying Kabisyo. Pero sabi ng Department of Trade and Industry, there’s no need to panic dahil bukas na bukas nga naman ang mga supermarket at mga palengke.

Pero siyempre, kahit na may disclaimer ang DTI, hindi maiiwasan ang mga eksenang mahabaang pila sa mga supermarket at iyon nga ang nadatnan ni Nicole Hyala sa isang grocery sa Sta. Rosa, Laguna.

Pero may isang pakuisap si Nicole Hyala sa kabila ng mga nangyayari. HUWAG SUSUNGITAN ANG MGA FRONTLINERS SA SUPERMARKET. Ang mga frontliners sa supermarket ay silang mga nasa cashier or counters, lahat ng merchandisers pati na rin ‘yung mga baggers, mga utility, pati security guards.

Kung sila man ay nagkakamali o natutuliro na rin sa pagta-trabaho, pagpasensiyahan na natin dahil pagod na rin naman sila. Bukod sa’yo, sila rin ay inaalala nila ang kanilang kaligtasan pati na rin ang pamilyang pinaglalaanan nila ng kanilang sweldo.

‘Wag masungit ha! Nakakapangit! HAHAHA!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Holler Box