Special gift ni Lala Banderas sa matiyagang Grab Food Rider

Minsan sa kabila talaga ng lahat ng krisis, bangayan, kaguluhan at ‘di pagkakaintidihan, lalabas at labas ‘yung pagiging masipag, matiyaga at maalalahanin ng mga Pilipino.

Nito lamang Huwebes ay nagpa-deliver si Lala Banderas ng makakain sa kanilang bahay. Natagalan din siya sa paghanap ng Grab Food Rider na pwedeng bumili at magdeliver ng pagkain order niya. Pero ayun, may kumagat din at nag-order nito.

Nagpasalamt si DJ Lala dahil na rin sa saya at sobrang paghihintay. Ang pasasalamat ni DJ Lala ay sinamahan pa niya ng pagsaludo dahil ang food delivery rin naman na ganito ay mga frontliners din sa gitna nitong COVID-19 emergency crisis.

Hindi inaasahan ni DJ Lala ang naging sagot sa kanya ng rider. Ang sagot ni Kuya na ito ay nagpaluha rin kay DJ Lala. Kaya bilang ganti sa kabutihan ni Kuya, sa kanyang sipag at tiyaga para sa pamilya, may special gift si DJ Lala para sa kanya at sa misis niya.

Ano ‘yun? Nood nood din sa taas Kabisyo! Hehe!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Holler Box