Online selling tips ni Raqi Terra gamit ang smartphone

September 12, 2018

 

Open minded ka ba? Gusto mo ba ng raket?

Naka-upload na ang unang “Sulit! So Lit!” episode ng Cherry Mobile, kung saan magbibigay ng bonggacious at gravacious na tips si Raqi Terra kung paano nga ba pwedeng kumita ng pera kahit nasa bahay ka lang, gamit ang smartphone at internet!

Saktong-sakto ang vlog na ito para sa mga estudyante at sa mga gustong kumita ng extra kahit na nasa bahay lang, dahil kasama rin ni Raqi Terra magbigay ng tips ang Cherry Twins na sina Charlotte at Charice Hermoso, na unang nakilala sa isang laundry soap commercial.

Maraming ka bang unused items sa bahay tulad ng damit, accessories, at iba pa? Maliban sa kikita ka na ng extra, makakatulong pa ang tip na ito na i-let go ang mga gamit na nakatambak lang sa iyong kwarto at mas magkaroon pa ng extra space.

Subaybayan na ang mga Sulit! So Lit! episodes nina Raqi Terra kasama ang Cherry Twins na sina Charlotte at Charice.

Comments