TLC The Drama Special, may bagong time slot

January 9, 2017

TLC The Drama Special Interactive, may new time slot na

Ang top-rating FM drama na TLC The Drama Special ay mapapakinggan na tuwing gabi, alas-9 hanggang alas-12 ng hatinggabi sa 90.7 Love Radio.

Mula sa dati nitong oras na alas-12 ng tanghali, magiging gabi-gabi na ang pakiki-involve sa TLC The Drama Special Interactive nina Kristine Dera at Tanya Chinita.

Aabangan ang mas pinaganda at pinahabang dramahan na hango sa iba’t-ibang kwento ng pag-ibig, lipunan, at ang iba ay hango pa mismo sa tunay na buhay. Maaari maki-involve sa usapan ni Kristine Dera at Tanya Chinita gamit ang official hashtags sa bawat episode, sa Facebook man o sa Twitter.

Comments