May nanalo na sa 24-Hour Jowa Challenge ni Raqi Terra!

February 13, 2020

 

At may nanalo na nga mga Kabisyo!

Isang araw bago ang Valentine’s day ay may isang taong matutupad ang pangarap na makasama si DJ Raqi terra sa loob ng 24 oras.

 

Ngiting wagi si Arjay Viray, 34, mula sa Cavite, nang makita niya si Raqi Terra. At Kabisyo, ‘wag ka, si Arjay ay isang Sir dahil isa siyang teacher sa Laguna! Si Si Arjay daw ay mahilig sa trivia at kumakanta-kanta din paminsan kapag natutukan ng balisong sa katawan. Wala din daw siyang asawa, jowa, sabit, kabit. Adik lang daw siya sa kape at sa pagmamahal. Naks!

Abangan mo Kabisyo ang mga pakulo niya kay Raqi Terra ha, pati na rin ‘yung mga gimik ni Raqi Terra sa kanya.

Panoorin mo sa mga susunod na araw ‘yung video nila sa Youtube Channel namin: Love Radio Manila.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.