Love Radio DJs, sobrang busy pa rin kahit naka-quarantine

Kung akala niyo eh walang ginagawa ang mga DJ ng Love Radio Manila ngayong naka-quarantine tayong lahat… Well, totoo naman! HAHAHA!

Si Nicole Hyala, sinimulan nang bilangin ‘yung binili niyang bigas! Feeling niya kasi marami na siyang nagawa maghapon, pero 12:00 NN palang pala naman! Ayun marami pa daw siyang bibilanging bigas.

Si Tanya Chinita naman, patuloy na iniikot ang kanilang bahay. Sinusunod niya lang naman ang sinabi ni Pangulong Duterte noong nakaraang araw! HAHAHA! Ngayon, nasa ilalim naman siya ng puno ng niyog!

Wish naman ni Raqi Terra na matapos na ang lahat ng ito. ‘Pag okay na daw ang lahat, may ipapakilala siya sa parents niya, pero makikitae lang daw sa bahay nila. HAHAHA! Kadiri talaga!

Patuloy naman sa pag-share ng info si Totoy Bato tungkol sa nararansan nating quarantine. Naks! Bibo na matalino pa! HAHAHA!

Gamit naman ang maskara at espada na ‘di malaman kung matulis, ready na daw makipaglaban ni Diego Bandido sa mga veerus! Nyahaha! Good luck sa’yo Bords!

Ikaw Kabisyo, ano’ng pinagkaka-abalahan mo?! Keep safe, ‘wag kang lalabas ng bahay!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Holler Box