Kapag Lumingon Ka, Yari Ka!

September 13, 2018

Kapag Lumingon Ka!

Tutal nauso na rin naman ang "Kapag Lumingon Ka" videos, edi panoorin mo na rin 'tong nakakalurkei na version namin, Kabisyo! HAHAHA! 😂

Posted by Love Radio Manila on Saturday, 8 September 2018

At dahil lagi kaming pasok sa mga trend, eh ginawan na rin namin ng video ang trending ngayon na “Kapag Lumingon Ka.”

Si Chris Tsuper na napagkamalan pa ni Lala Banderas na naninilip sa kanya, hindi naman pala type! Si Raqi Terra na kapag lumingon ang nagbibigay ng extra rice, ubos ang isang timba ng kanin! Si Chris Tsuper na lumingon kahit walang assignment. Ayan otso otso siya tuloy. Si Totoy Bato na dedma noong una, nakarinig lang ng kaluskos ng plastik, wala na PG na! Si Tanya Chinita na tindera ng damit, kapag lumingon ang tumitingin sa paninda niya, wala na mabibili mo na ng wala sa oras ‘yan! At ‘yung tropa mong si Lyka Barista, na katulad ng lahat, na kapag lumingon siya ay magiging taga-abot ng bayad.

Ikaw, anong “Kapag Lumingon Ka” moments mo?

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.