Hot na hot na naman si Lala Banderas!

May caller si DJ Lala Banderas kagabi, ang pangalan niya ay Rick. At si Rick na yata ang isa sa mga pinaka-walang ka-kwenta kwentang caller ni DJ Lala. At kagabi nga, dahil sa kawalan niya ng kwenta kausap ay nag-beastmode na naman si DJ Lala.

Alam naman ng lahat na hindi naman sa lahat ng oras ay mainit ang ulo ni DJ Lala. HAHAHA! Pero ang kagandahan naman sa kanya, bukod sa maganda talaga siya, ay ‘yung marunong siyang makinig at mag-analyze ng sitwasyon ng mga caller niya kaya naman natutumbok niya ang puno’t dulo ng mga bagay bagay.

Ano nga bang problema ni Rick?

Inis na inis si Rick sa kanyang mga magulang dahil hindi daw siya sinuportahan ng mga ito sa kanyang pag-aaral. ‘Yung galit ni Rick, grabe, abot langit, na parang walang magandang naidulot ang mga magulang niya sa kanya.

Uminit ang usapan nila DJ Lala at Rick noong tanungin ni DJ Lala kung paano naman nasabi ni Rick na hindi siya suportado ng mga magulang niya sa pag-aaral. Biglang nagsabi si Rick na kesyo hindi daw naiintindihan ni DJ Lala ang sitwasyon at hindi ito nakikinig, hanggang sa nasigawan na niya si DJ Lala. Hindi man sinasadya pero nagpanting na rin ang tainga ni DJ Lala kaya nasigawan niya ito at napagbabaan na niya ito ng telepono.

Sa perspektibo ni DJ Lala: Naging inggrato si Rick sa kanyang magulang dahil ugali at pananaw nito. Pabanggit banggit pa ng batas kuno pero hindi nauunawaan kung ano ba ang naging role ng mga magulang niya para maging tao at edukado siya.

Lubos na nauunawaan ni DJ Lala ang sitwasyon ng taong ito sapagkat nagsimula siya bilang service crew ng isang fast food para lang matustusan ang kanyang pag-aaral. Kaya kung usapang experience lang din naman… ehhh baka naman!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.