Chris Tsuper, may tribute sa kanyang Doctor GF

Before the day ends, allow me to express my pride over the initiative, dedication, skill and contribution of this woman…

Posted by Chris Tsuper on Monday, March 23, 2020

Sa isang pambihirang pagkakataon na makapag-post si Kambyo King Chris Tsuper sa kanyang Facebook page, aba ito ay tribute niya sa kanyang girlfriend na si Dr. Lorraine Ann Doma.

Nagpost ng maraming photos ang proud na proud na si Chris Tsuper kasama ang kanyang mahabang message ng paghanga at tribute sa jowa niya.

Sabi pa ni Kambyo King:¬†“Allow me to express my pride over the initiative, dedication, skill and contribution of this woman who continuously provides preventive care to many of the hospital patients during this time of health emergencies. Gusto ko lang sabihin na sobra akong bilib sa ‘yo na kahit hindi mo na nakakasama ang pamilya mo dahil halos hindi ka na umuuwi ng bahay, halos walang tulog, pagod at irregular ang oras ng pagkain.”

“Mahirap ang sitwasyon mo. It takes a lot of courage and resilience to be someone like you. You’re such a strong woman. Your profession is gift to many. Please know that you’re are loved and appreciated – Dra.¬†Lorraine Ann Doma. Gusto ko lang uling sabihin na ipinagmamalaki kita bilang girlfriend ko. I LOVE YOU.”

Naks! Sana all! Saludo po kami sa lahat ng frontliners lalo na sa mga nag-aalaga sa mga pasyente na may COVID-19, PUIs at PUMs.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Holler Box