Bag Raid with Diego Bandido

Nakooo si Bords Diego Bandido naman ang sumabak sa bag raid!

Ano kayang makikita natin sa bag ni Bords? Baka may ano! Yooowwwwnnn!!!

Well, nakakaloka lang yung pagiging boy scout ni Diego Bandido. Meron siyang toyo at ketchup, meron ding trash bag! HAHAHA!

May makikita ka pang toothbrush at toothpaste. Siyempre, ‘yung dalawang cellphone niya, bongga ‘yun. Meron din siyang charger, earphones, at powerbank. Siyempre dapat malinis din sa katawan, may alcohol na may sanitizer pa!

May bag din sa loob ng bag! HAHAHA! May mga pamahid dun, meron ding rosary at meron pa siyang maliliit daw na lights pang-emergency.

Bukod sa gusto daw ni Diego ang pambabaeng pabango, meron din naman siyang mga kalat sa bag katulad na lamang ng mga resibo at parking tickets.

Ikaw, ano’ng laman ng bag mo Kabisyo?

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.