ANG LOVE RADIO, IN FULL VIDEO NA!

May 10, 2017

ANG NUMBER ONE RADIO, LOVE RADIO, IN FULL VIDEO NA!

Mula umaga hanggang gabi ka nang pwedeng tumutok sa number one FM radio station sa Metro Manila dahil ang 90.7 Love Radio, in full video na!

Opisyal na ni-launch ng 90.7 Love Radio ngayong May 10 ang kauna-unahang ‘social TV’ for FM radio. Libreng mapapanood sa Love Radio PH app ang lahat ng kaganapan sa loob ng Love Radio DJ’s booth, exclusive contents, featured interviews at live interaction kina Diego Bandido, Totoy Bato, Nicole Hyala, Chris Tsuper, Lyka Barista, Tanya Chinita, Kristine Dera, Kara Karinyosa at Lloyd Cadena.

ANO’NG MERON?

Mapapanood, mapapakinggan at pwedeng maki-interact sa mga paborito mong programa sa Love Radio sa pamamagitan ng live video at audio streaming sa Love Radio PH app.

“The mobile app is not just another touch point to keep our brand in front of people but also a rare chance for content advancement.” Paliwanag ni Mr. Wilfredo Espinosa Jr., VP for FM Programming ng Manila Broadcasting Company. “The concept of Social TV in our app provides an appealing and complementary listener and user experience. This is radio reimagined!”

Available sa Love Radio PH ang Video On Demand kung saan mapapanood ang mga nakakalurkey na previous episodes at pasiklaban nila Diego Bandido at Totoy Bato sa Rambulan sa Umaga; kulitan ng Tambalang Nicole Hyala at Chris Tsuper; mga kalokohan ni Lyka Barista; ang mga challenges na hindi uurungan nila Kristine Dera at Tanya Chinita; at ang mga bukingan nila Kara Karinyosa at Lloyd Cadena.

Maging updated rin sa kaliwa’t kanang mga happenings at events sa buong bansa. Abangan ang mga detalye ng concerts ng mga paborito mong artists maging mga Love Radio DJs sa Events Calendar.

Kaabang-abang din ang mga exciting Love Radio items, prizes at freebies sa Gift section ng Love Radio PH app.

Hindi makukumpleto ang social TV experience kung hindi mo makaka-interact ang Love Radio DJs gamit ang Message Board na available sa lahat ng mga registered kabisyo o superfans.

ANO’NG GAGAWIN?

Para ma-experience ang Love Radio in full video, i-download ang Love Radio PH app sa Play Store sa Android or sa App Store para sa iOS at maging ‘Certified Kabisyo’ sa pamamagitan ng pag-register.

Mag-register para magkaroon ng access sa Message Board, Videos on Demad, Events Calendar at Gifts.

Maaaring i-tap ang ‘WATCH’ para mapanood ng real-time sa social TV ang iniidolong DJ. Maaari ring i-tap ang ‘LISTEN’ kung nais lang i-enjoy ang non-stop music at makisabay sa pagkanta gamit ang mga lyrics na makikita sa screen.

STALK MO KAMI!

Para sa mga iba pang detalye, log on lang sa www.loveradio.com.ph o sa mga official social media accounts ng Love Radio Manila.

Facebook: Love Radio Manila
Twitter: @loveradiomanila
Instagram: @loveradiomanila
YouTube: Love Radio Manila

Download on App Store: bit.ly/LoveRadioPHonAppStore
Download on Google Play: bit.ly/LoveRadioPHonGooglePlay

Comments