40 na si Nicole Hyala!

Sabi nga ng karamihan, “Life begins at 40.” Naks! So magsisimula pa lang pala ang buhay ni Nicole Hyala. Grabe naman pala kung ganun.

Bongga daw ang birth year ni Nicole Hyala, 1979. Sa taong ito daw, maraming nangyari: biruin mo, noong 1979 pala nagsimula ‘yung Happy Meal ng McDonalds. Sa parehong taon daw, napanalunan ni Mother Teresa ang Nobel Peace Prize. ‘Yung naging tahanan ni Nicole Hyala at Chris Tsuper ng ilang panahon, ‘yung Eat Bulaga, nagsimula din sa taong iyon.

Hindi lang ‘yan Kabisyo, noong 1979 din “My Sharona” ay nag-top sa Billboard charts, nakunan ng Voyager 1 ang rings ng planetang Jupiter pati na rin ‘yung launching nung dati mong music player na Sony Walkman.

Pero ang pinakamatindi daw noong 1979 ay ‘yung ipinanganak si Nicole Hyala! Bongga ‘di ba! HAHAHA!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.