Willing siya makulong at mabaon para sa lalaking ‘yun

July 11, 2019

Masarap nga naman ang bawal. ‘Yung bawal na masarap, lulubus-lubusin natin kahit na makapangyarihan, mapera at ma-impluwensya ang kalaban.

Well, kabit si Maggie. Alam niya ‘yun. Sa lahat ng makakadiscover nito ay ‘yung kapatid pa niya. Ngayon, medyo madaldal si kapatid, may napagsabihan. Para maitago ang relasyon nila, ang pakilala sa kanya ng lalaki sa asawa nito ay business partner.

Sa kabila ng lahat na pwedeng mangyari, dahil sa mahal na mahal niya daw ang lalaki, okay lang daw sabi ni Maggie. Sa daloy ng usapan nila ni Lala, parang hindi siya nababagabag na makukulong siya kung sakali, na mawawalan ng nanay ‘yung anak niya at malulubog siya sa kahihiyan at sa kabuhayan.

Ikaw? Ganyan ka ba magmahal ha? Naku ha!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.