‘Wag kang maglaro ng apoy kung hindi mo kayang masunog

May 16, 2019

Nakagawa ka na ba ng pagkakamali Kabisyo? Tapos after mo ba makagawa ng pagkakamali ay gagawa ka ng desisyon?

Well, proseso ang nangyari sa ating caller ngayon na si Ace. Mayroon siyang boyfriend at seven years na sila. Nakabuo na sila ng mga plano sa buhay at ngayon ay LDR sila. Nasa Pilipinas ang isa, nasa Qatar si Ace.

Pero one day, may nakilala si Ace sa Qatar at naging boyfriend niya rin ito. Dahil nagkamabutihan na sila, nakipagbreak na rin si Ace doon sa boyfriend niya for the past seven years.

Aminado si Ace na nagkamali siya sa part na ‘yun. Alam ni Ace na inuna niya ‘yung factor na mas gusto niya ‘yung nakakasama niya kaysa LDR. Aminado siya na mas trip niya ‘yung nayayakap niya, nahahalikan niya, nahahawakan niya.

Ang sabi ni DJ Lala: Panindigan na lamang ang naging desisyon niya. May pakiramdam din naman ang ibang tao. Hindi sila panakip butas na kapag nalungkot ka na sa apartment mo dahil nag-iisa ka ay tatawagan mo siya para sumaya ka at paglabas mo naman ng apartment, dun naman sa isa para sumaya ka ulit.

‘Wag ganun.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.