Titigil ka ba kapag umamin na siya?

September 30, 2019

Nalaman ni  Ayen mula sa mga nagsumbong sa kanya na may ginagawang kabulastugan ang kanyang asawa. Nang malaman ng asawa niya na nadiskubre na niya ang mga ito, bigla na itong gumawa ng mga paraan para maging maayos ang kanilang relasyon at pamilya.

Hindi yata kuntento si Ayen sa pag-eeffort ng asawa niya at gusto pa niyang umamin ito sa kanya. Gustong marinig ni Ayen mula sa bunganga ng kanyang asawa ang pambababae nito.

Hindi makita ni DJ Lala ang sense ng gustong pagpapaamin ni Ayen gayong gumagawa na ng effort ang asawa nito para  maging maayos ang lahat. Pero sure si DJ Lala na kapag umamin si Mister, hindi naman titigil si Ayen. At natawa si Ayen dahil totoo nga.

So, sa madaling sabi, maging part na lang tayo ng solution kaysa naman gumagawa pa tayo ng mga bagay na makakapagpalala nito dahil lamang sa pride na meron ka.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.