Sa kabila ng lahat, pinababayaan ko daw mga anak ko

July 11, 2019

Hiwalay si Len at ang kanyang asawa. Mayroon silang tatlong anak. Sa poder ng lalaki nakatira ang mga bata habang nasa ibang bansa si Len para magtrabaho.

Ngayon, worried si Len na parang nawawalan na ng respeto sa kanya ‘yung mga anak niyang 10 years old, 8 years old at 6 years old. Maraming sinasabi ang mga batang ito sa kanya pero ang nakasakit sa kanya at nakakapag-paiyak pa sa kanya ay ‘yung masabihan siya ng mga ito na pinapabayaan niya sila.

Naniniwala si DJ Lala na hindi masasabing mag-isa ng mga bata ang mga ganoong bagay at mukhang may nagsusulsol sa mga ito.

Dahil dito suggestion ni DJ Lala na makipag-ayos ng pakikitungo si Len sa mga biyenan niya. ‘Wag niyang ibabato ang sisi sa asawa niya ang lahat ng bagay sa harap ng mga magulang dahil kakampi at kakampihan ng mga ito ang kanilang anak sa lahat ng pagkakataon.

Sa issue naman ng kawalang respeto ng mga anak, dapat ipaintindi ni Len ang tamang respeto ng mga bata sa kanilang magulang. ‘Wag na ‘wag umanong papayag ang mga magulang na napagsasalitaan sila ng kanilang mga anak lalo na kung usapang responsibilidad.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.