Sa halip na ayusin, dinagdagan pa ang problema

November 4, 2019

Pagsira sa sariling marriage. Ito ‘yung nakikita ni DJ Lala sa kanyang caller sa pagresolve nito ng kanilang issues bilang mag-asawa.

May iba daw umanong babae ‘yung asawa niya sa Dubai. Marami umano siyang ebidensiya. So, dahil dun, ang solution ni husband para mawala ang lahat ng hinala ay dalhin siya sa Dubai para magkasama silang mag-asawa.

Pero hindi pa rin tumitigil si Ate. Ang nangyari naman this time ay lumipat ang duda sa kanya ng asawa niya. Dahil doon, feeling niya sinasakal siya ng asawa niya. At nakita ito ni DJ Lala na unfair dahil si Ateng Caller, gawa umano nang gawa ng isyu pero siya naman ang gawan ng isyu ay biglang sisigaw ng nasasakal.

So saan kaya lulugar si Kuyang nasa Dubai? Lahat daw ng isyung lumalabas kay Emily all came from her head. Ito daw ‘yung concrete na dahilan para masira ang relasyon nilang dalawa.

Your thoughts, Kabisyo?

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.