Respeto para sa sarili; hindi pera ang nagpapaikot sa relasyon

May 16, 2019

Si Marjorie ay isang member ng LGBT community.

Isang araw, meron siyang nakarelasyon. Aminado siya na naibigay niya ang lahat sa kanya, pati pera kung kelan man ito mangailangan.

Pagkatapos makuha ang lahat ng gusto at kailangan niya, bigla na lang nawala si boyfriend. Hindi na ito nagparamdam.

Pero makalipas ang ilang linggo, nalaman bigla ni Marjorie na may karelasyon ulit si lalaki at kaibigan pa niya ito.

Napatanong tuloy si Marjorie kung anong kulang sa kanya at kung anong meron sa kanya bakit nagkaganun ang relasyon niya?

Sabi ni DJ Lala: Alam na niyang user ang lalaki, pero siya pa rin ang may mali. Parang mas mainam yatang i-respeto at mahalin na lamang niya ang kanyang sarili para mas mahanap niya ang taong karapat-dapat sa kanya.

Hindi sa pamemera o pagbili ng kung anu-anong luho, hindi sa pamamakla ang worth ng mga toang katulad ni Marjorie. Hindi na ito bago. Know your worth Kabisyo and be wise!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.