Pinagsasabay ang current GF at ang Ex-GF

September 9, 2019

Ibang level talaga ang kahangalan ng ilang tao ngayon para lang magmukhang gwapo sa paningin ng ibang tao.

Nalilito daw Shawn (Siya yata ‘yung tupa dun sa isang popular na cartoons! HAHAHA!) kung sino ang pipiliin sa dalawang babaeng nasa buhay niya.

Nagpaparamdam daw ‘yung Ex niya dahil may gusto pa sa kanya pero ang problema ay may girlfriend siya ngayon. Sa tono ng kwento, parang gusto pa ni Shawn ‘yung Ex niya kaya naman kung anu-anong butas ang pilit niyang ipinupukol doon sa GF niya ngayon para lang masabi na tama ang pagtataksil na ginagawa niya.

Tigilan na ‘yung pagsasabay ng mga karelasyon. Tsaka tigilan natin ‘yung pagpukol ng kasalanan natin sa iba para lang ma-justify ‘yung katarantaduhang ginagawa natin.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.