Pinabayaan mo kasi siyang maging ganyan sa’yo

September 26, 2019

Online personalities si Kian at ang GF niya na nasa ibang bansa. Youtuber sila for short.

Flirt daw si GF sabi ni Kian.   Minsan may kaibigan na parang libog kay GF tapos tino-tolerate pa daw nito. Kinausap niya pero galit na galit daw sa kanya. Sumunod, may na-block si Gf na kaibigan. Kung mag-sorry daw ito doon sa kaibigan ay ganun na lamang. Kinausap niya ulit at galit na galit na naman daw sa kanya. Bandang huli si Kian pa umano ang may kasalanan sa pagkaka-block na ‘yun. Bongga ‘di ba?

Pero sino nga ba ang may pagkukulang? Mahal daw ni Kian ang GF niya kaya naman kahit na ganun ito sa kanya ay nagpapakumbaba na lamang siya para maging okay na ang lahat. Pero hindi ito laging okay sabi ni  DJ Lala dahil kaya ang tapang tapang at tila wala nang konsiderasyon si Gf ay dahil din sa pagiging masyadong mabait ni Kian.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.