Para makaganti sa jowang cheater, nag-jowa din siya ng iba

November 25, 2019

Ano ‘yung kadalasang ginagawa mo sa partner mo para maunawaan niya ‘yung masakit na ginawa niya sa iyo? Yes, tama ang nasa isip mo, ang gumanti.

Ganyan ang ginawa Farrah sa jowang nasa ibang bansa nang malaman niyang may iba ang jowa niya. Ang matindi, nagtext sa kanya ang jowang iba kaya niya ito nalaman. Bilang ganti, may jinowa ding iba si Farrah, isang Pakistani, at nakilala niya lang ito online.

Ang tanong tuloy ni DJ Lala: Sino ngayon ang mas mababa? Tama nga naman. At isa pang bagay ay hindi naman ito nakatulong sa kanya.  Sapat na umanong makipaghiwalay para lang maiparamdam sa lalaking iyon kung paano ang mawalan.

Pero ang dapat atupagin ngayon ni Farrah ay kung paano masusustentuhan ang anak nila.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.