Pangingialam nga ba o tamang paggabay lang?

October 25, 2019

Tila hindi yata maganda ang naging interpretasyon ni Jessa sa mga ginagawang pagtulong ng mga kapatid niya.

Ano nga bang meron? Parang gustong maging one independent woman ni Jessa na 21 years old pa lang. Tinanggihan niy ang tulong ng kapatid niya na pag-aralin siya sa Pangasinan at pinili niyang pagsabayin na lang ang pag-aaral at pagta-trabaho sa Maynila.

Ang tingin ni Jessa sa mga bagay na ginagawa ng mga kapatid niya ay pangingialam. Kaya naman, nasabihan niya ‘yung pamilya niya na mag-aasawa na lang siya para matapos na daw ang pangingialam na sinasabi niya. Dahil dun sa sinabi niya, pilit siya tuloy pinapauwi ng probinsya.

Hanga pa si DJ Lala noong una dahil sa gustong makatapos ng pag-aaral ni Jessa pero nagbago ito dahil sa ganoong desisyon. Hindi ang boyfriend ang priority.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.