Panay kausap pa kay Ex

December 6, 2019

Medyo nahihirapan na at medyo nasasaktan din daw si Willy sa ginagawa na kanyang girlfriend. Eh ano bang meron?

May girlfriend si Willy at mahal na mahala naman niya ito. Ngayon, napansin ni Willy na nakikipag-usap pa ito sa kanyang Ex-boyfriend. Nag-try siyang i-confront ang GF niya pero nagalit pa ito at parang hindi nagbago ang kanyang ganap hanggang sa naging paulit-ulit ang sitahan.

Lalo pang naging mabigat ang dala ni Willy nang subukan niyang makipaghiwalay sa kanyang GF at nagbanta pa daw ito na magpapakamatay.

Sa tingin mo Kabisyo, saan dapat lumugar si Willy?

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.