Niloloko na kayo, pinag-aagawan niyo pa

July 11, 2019

Tumawag si Kim dahil patuloy pa rin daw siyang ginagambala ng girlfriend ng ex-boyfriend niya.

Hindi umano maintindihan ni Kim ang intensyon ng babaeng ito kung bakit ba patuloy pa rin siyang mine-message nito sa Facebook. Buti na lang at hindi pala-patol itong si Kim.

Dapat ma-realize nitong dalawang babae na ito na hindi worth it na ipaglaban at magpakababa para sa isang lalaki na halata namang hindi sila mahal. Niloloko na nga sila, pinag-aagawan pa nila.

Tama nga naman si DJ Lala: Kapag pumatol ka sa palengkera, mas palengkera ka.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.