Napabayaan ko pamilya ko dahil pinag-aral ko ang GF ko

September 11, 2019

Minsan, hard ‘yung paraan ng tadhana para ipamukha sa atin na nagkamali tayo. Pero ang mas importante ay alam nating nagkamali tayo at ‘di natin sasayangin ang second chance para bumawi at ituwid ang ating pagkakamali.

Ang sakit lang nung katotohanang ginamit lang si Vhong ng GF niya na pinag-aral niya. After graduation, nasaan na siya? Waley na! Iniwanan na si Vhong.

Paano na si Vhong? Yes nasasaktan pa rin siya. Pero mas nasasaktan siya dahil guilty siya sa pagtalikod niya sa pamilya niya. Pati pala ang perang minsa’y ginamit niya para sa babaeng iyon ay inutang pa niya sa nanay niya na ipinangutang din ang perang iyon.

Sabi ni DJ Lala: Hindi pa huli ang lahat. Ang mga magulang ‘di tayo iiwanan niyan. Ang mga magulang, hindi ka pa humihingi ng tawad, napatawad ka na niyan. Kaya dapat, umuwi na si Vhong ang ituloy ang kanyang pagbawi sa pamilya niya.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.