Nagbayad ako ng imbestigador, mahuli lang ang pangangabit niya

February 11, 2019

Usapang kabit ulit ito, Kabisyo. Pero iba, not your ordinary story of infidelity na lagi na lang lalaki ang nambababae. This time, babae naman ang may lalaki.

Kaliwa’t kanang pagsisinungaling at panloloko ang ginawa ng asawa ni Martin sa kanya. Nagbayad pa si Martin ng ilang mga tao para lang sundan at manmanan ang kanyang asawa sa pambababae nito. Sa dinami-dami ng mga pagkakataon. Nauwi din sa hiwalayan ang relasyon nila dahil sa pagod na si Martin sa mga nangyayari.

Muli nagkita ang mag-asawa ilang buwan matapos ang insidente ng pagpunta sa motel kasama ang kabit. Humihingi ito ng second chance. Nag-usap usap silang pamilya. At ‘di naglaon pinauwi niya rin sa bahay ‘yung asawa niya. Nagagalit tuloy ngayon ang pamilya ni Martin dahil sa set up na ito.

Ano sa tingin mo ang dapat gawin ni Martin?

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.