May ibang babae ang asawa ko, kahit buntis ako ngayon

May 10, 2019

Buntis si Jenni. At kahit buntis siya, dahil sa sama ng loob niya, ay nakuha niyang tumawag sa Usapang LDR para lang maibulalas ang nilalaman ng damdamin niya.

Ano nga bang meron kay Jenni? Buntis siya pero nakuha pa rin siyang lokohin ng asawa niya. Ang babae ay kasama pa pala niya sa iisang kumpanya. Tumatanggi si lalaki noong una pero inamin din kainalaunan.

Ang problema niya pa ngayon kung panghahawakan niya ba ang sinasabi ng asawa niya na wala na ang lahat ng ugnayan sa babaeng iyon.

Sa tingin mo Kabisyo? Dapat ba siyang maniwala na at tanggapin ang sorry ng asawa niya?

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.