Mas okay pa ang games at series kaysa makipag-usap sa’kin

August 14, 2019

Sabi nga ni Nicole Hyala: “Kasalanan ‘to ng social media.”

Well, nasa ibang bansa si Ace. Isa lang naman ang hiling niya, ang makausap nang matiwasay ang asawa niya. Bakit? Hindi ba niya makausap nang wasto?

Maraming dahilan si misis kung paminsan-minsan. Keso ginagamit daw ng anak niya ang cellphone para maglaro. Minsan online naman daw ito pero hindi pinapansin si Ace. Tapos parang ang bilis bilis at laging nagmamadali ang usapan kapag nakakapag-usap sila.

Sabi na lang ni Ace sa asawa niyang tila gusto gawing pang-kalso ng sasakyan na lang ‘yung cellphone: Usap naman tayo. Tama na muna ang games. Tama na muna ang nood ng drama. HAHAHA!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.