Mahal daw niya pero walang nasabing maganda at kumapit pa sa iba

April 16, 2019

May boyfriend si Lei. Tamad daw ito. Ayaw magtrabaho. Wala daw siyang paninindigan at lagi pa silang nag-aaway.

Sa hindi malamang dahilan, hindi niya ito magawang mahiwalayan at lagi niyang sinasabi na pinipilit nilang ayusin ito.

Dahil sa ganitong sitwasyon, napakapit na si Lei sa ibang lalaki at nadedevelop na siya rito kaka-share niya ng istorya niya dito. Halos iakyat ni Lei sa pedestal ang lalaking iyon sa sobrang papuri na kanyang ginawa. Pero malabo din pala ang relasyon nito sa kanyang girlfriend.

Mahal pa daw ni Lei ‘yung boyfriend niya pero wala namang magawang maganda silang dalawa. Pa’no na?

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.