Magiging pangalawang asawa pala niya ako

June 10, 2019

Mahal ni Maria at ng kanyang partner ang isa’t isa. Totoo ‘yun. Gustong na nila magpakasal pero nalaman niya na married na pala ito. At ang isa pang factor ay Muslim pa ito.

So, ‘yun nga Kabisyo. Muslim si Kuya kaya naman magiging second wife si Maria kapag nagkataon. Pero hindi lamang ito ‘yung magiging consequence ng pagpapakasal. Siyempre, mababago din ang buhay ni Maria kapag mag-asawa na sila.

Kailangan niyang tanggapin nang buo ang Islam at lahat ng kalakip nito. ‘Yan ang nagiging concern ni Maria ngayon. Kaya naman pinayuhan siya ni DJ Lala na pag-isipan muna lahat ng bagay. Magnilay ng mabuti.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.