Hiwalayan ko si fiance kapag sasaluhin ako ni Ex-BF

September 30, 2019

Common na siguro sa pandinig ninyo mga Kabisyo ang ganitong klaseng kwento. Pero hindi yata common ang kwentong ito.

Si Sam ay may fiance na, engaged na siya. Then, biglang nagbalik ang Ex-BF niya na nasa Japan at na-fall ulit si Sam. Dahil dun, parang gusto nilang ituloy ang kanilang naudlot na relasyon noon.

Dahil sa setup na ganito, nag-alangan na si Sam tungkol sa fiance niya. Alam ni Sam na  walang hindi ginawa ang fiance niya para mapasaya siya. Magiging unfair nga naman ang lahat kapag na-push ang pagbabalikan.

Pero parang mainipin si Sam. Gusto na niyang mag-decide agad si Ex-BF para matuloy na ang kanilang relasyon. Kasi kapag nag-decide nga naman si Ex-BF   na makipagbalikan, makikipaghiwalay na agad si Sam sa kanyang fiance. ‘Yung ganitong setup is sigurista setup ayon kay DJ Lala. Hindi pwedeng ganun ang mangyayari.

Kaya sabi ni DJ Lala: Decide for the right reason. Do it for yourself. Do it alone. Know your responsibility.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.