Hayaan niyo siyang manigas at matigang!

March 15, 2019

Nanggigil na naman si Lala Banderas dahil ito sa panibagong kaso na naman ng mag babaeng pilit pinaghahatian ang isang lalaki.

Ang hindi kasi maganda sa set up na ito mga Kabisyo, nagpapakatanga ang mga babaeng ito para sa lalaking kanilang “iniibig.” Halata na kasi sa lahat ng anggulo ang ginagawa sa kanilang pangloloko ng lalaking ito, pero patuloy pa rin silang nagkakandarapa dito. Tunay ngang katangahan.

Siyempre, isa lang naman magiging solusyon diyan, hiwalayan nung dalawa ang lalaki at tigilan ang katangahan iyan. Walang kailangang magparaya bagkus dapat ay ayusin na nila ang mga buhay nila. Sabi nga ni DJ Lala: Hayaan niyo siyang manigas at matigang!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.