Harapang lokohan ni Martial Arts Teacher!

November 20, 2019

Litong lito na si Ann sa kung anong gagawin sa kanyang pag-ibig. Nahihirapan siya sa nararamdaman niya sa kung paano ang gagawin sa sitwasyon nila ngayon ng ka-relasyon niya.

Nagsimula lang naman ang lahat noong harapang nahuli ni Ann ang kanyang jowa na may kasamang iba. Kumbaga, sabi ni Ann, huli mo na, tumatanggi pa. Ang matindi pa sa lahat, ito palang jowa niya ay isang Martial Arta teacher.

Sabi naman ni DJ Lala: Niloko ka na nga, ‘wag nang pahirapan pa ang sarili mo. Ano bang mawawala kapag nakipaghiwalay ka diyan sa jowa mong ganyan naman ang style? Give yourself a break. Hindi dapat nalilito at nahihirapan dahil obvious naman na hindi ka mahal.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.