Good daddy and good provider si hubby pero may addiction siya

May 15, 2019

Nasa Sweden sina Janice at ang kanyang mag-ama. Foreigner ang asawa niya. Parang santo kung i-describe ni Janice ang asawa niya: mabait, good provider, mabuting ama, walang bisyo.

Isang araw, may natuklasan siya na ang kanyang asawa ay may sexual addiction sa isang partikular na bagay. Hindi daw niya ito mapigilan at na-adapt niya daw ito noong mid-20s pa niya.

Nag-aalala si Janice para sa anak niya. Dahil sa sitwasyon ng asawa niya, baka maging biktima ‘yung anak niya soon.

Ang kagandahan naman sa bagay na ito ay willing magpagamot ang kanyang asawa. At nakakabilib si Janice dahil sa halip na husgahan at iwanan niya ang kanyang asawa bagkus ay sasamahan niya ito sa labang ito.

Ang sabi naman ni DJ Lala: Baka naman pwedeng iwanan muna ‘yung anak nila sa mga kamag-anak sa kalapit na bansang Germany. Mas magandang ilayo ang bata kaysa iwanang mag-isa si hubby para hindi niya gawin ang mga hindi dapat katulad ng mag-suicide. Kailan din ng kausap ni hubby, kailangan niya ng kasama habang nasa proseso ng therapy.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.