Engaged na sila pero mukhang magiging bato pa

June 7, 2019

Engaged na si Kim sa kanyang boyfriend. Si Kim nga pala ay isang transwoman.

Ngayon, nagrereklamo si Kim dahil nagsinungaling sa kanya ang boyfriend na sabi umano nito na gusto siya ng pamilya nito. Pero after ng lahat ng nangyari, parang hindi naman pala siya gusto ng pamilya ng lalaki.

Ilang beses na umano napag-usapan nila Kim at boyfriend niya ang mga patungkol sa ganoong bagay. Pero dahil iniinsist ni Kim ‘yung gusto niya, parang napika na rin si boyfriend at hindi na rin siya kinakausap ngayon.

Sabi ni DJ Lala: ‘wag tayong mag-focus sa sarili natin. Tingnan natin ‘yung efforts na ginagawa ng partner natin para sa atin. ‘Wag tayong maglabas ng kahit anong negative attitude lalo na kung lahat ng effort ay inilalaan sa’yo. Makisama. Makipagtulungan. Maging mabait naman para maging maayos ang lahat.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.