‘Di daw niya sinasadya pero apat na beses na

February 12, 2019

Nahihirapan si M sa sitwasyon nila ng boyfriend niya. LDR sila, siya ay nasa ibang bansa, si Koya naman ay nasa Pilipinas.

Pinahihirapan ni Koya si M dahil tinatanong nito kung anong pwede niyang gawin para mapatawad siya ni M. Si Koyang boyfriend ay babaero. Babaero to the point na apat na beses na siyang nahuli na may ibang babae pero hindi daw niya sinasadya.

Cool off sila ngayon. Sa kabila nito, hindi naman nakikitaan ng effort si Koya para mapabalik ang loob ni M. Mag-uusap na sila. Kapag hindi niya makitaan ng plano si Koya, wala na talaga.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.