10 taong pinagdudahan ang asawa

January 22, 2020

Naghiwalay na si V at ang kanyang asawa. Ang dahilan: selos nang selos at duda nang duda si V sa kanyang misis.

Walang katapusang selos at duda ang 10 taon na palang ipinupukol ni V sa kanyang misis. At ngayong napuno na ito sa kanya, iniwan na siya nito.

Ito ngayon si V, nagmamakaawa kay Misis na makipagbalikan para maging okay na ang lahat. Sabi niya, ginawa naman na daw niya ang lahat ng pakikiusap pero parang wala naman daw nangyayari.

Pero iba ang tingin ni DJ Lala dito: hindi daw sapat ang nakakalurkei na pakiusap ni V kung hindi naman siya nakikitaan ng konkretong pagbabago.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.