• 11

    Titibo-Tibo

    Moira Dela Torre

    Back to Top 10

    Elementary pa lang napapansin na nila
    Mga gawi kong parang hindi pambabae e kasi
    Imbes na Chinese garter laruan ko ay teks at jolens
    Tapos ka-jamming ko lagi noon mga sigang lalaki sa aminNung ako’y mag-high school ay napabarkada sa mga bi
    Curious na babae na ang hanap din ay babae
    Sa halip na makeup kit bitbit ko ay gitara
    Tapos pormahan ko lagi ay long sleeves na tshirt at faded na lonta

    Pero noong nakilala kita nagbagong bigla ang aking timpla
    Natuto ako na magparebond at mag-ahit ng kilay at least once a month
    Hindi ko alam kung anong meron ka na sa akin ay nagpalambot nang bigla
    Sinong mag-aakalang lalake pala ang bibihag sa tulad kong tigreng gala

    Kahit ako’y titibo-tibo
    Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa’yo
    Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan
    At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
    Na para bang bulaklak na namumukadkad
    Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang
    Sikat ng araw-araw mong pag-ibig
    Sa’king buhay nagpapasarap

    Nung tayo’y nag-college ay saka ko lamang binigay ang matamis na oo
    Sampung buwan mong trinabaho
    Sa halip na tsokolate at tipikal na mga diskarte
    Nabihag mo ko sa mga tula at sa mga kanta mong pabebe

    Kaya nga noong makilala kita alam ko na agad na mayroong himala
    Natuto akong magtakong at napadalas ang pagsuot ng bestidang pula
    Pero di mo naman inasam na ako ay magbagong tuluyan para patunayang
    Walang matigas na tinapay sa mainit na kape ng iyong pagmamahal

    Kahit ako’y titibo-tibo
    Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa’yo
    Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan
    At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
    Na para bang bulaklak na namumukadkad
    Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang
    Sikat ng araw-araw mong pag-ibig
    Sa’king buhay nagpapasarap

     

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.