• 11

    Tagpuan

    Moira Dela Torre

    Back to Top 10

    TAGPUAN
    by Moira Dela Torre

    Di, di ko inakalang
    Darating din sa akin
    Nung ako’y nanalangin kay bathala
    Naubusan ng bakit

    Bakit umalis ng walang sabi?
    Bakit ‘di siya lumaban kahit konti?
    Bakit ‘di maitama ang tadhana?

    At nakita kita sa tagpuan ni bathala
    May kinang sa mata na di maintindihan
    Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan
    At tumigil ang mundo
    Nung ako’y ituro mo
    Siya ang panalangin ko

    At hindi di mapaliwanag
    Ang nangyari sa akin
    Saksi ang lahat ng tala
    Sa iyong panalangin

    Pano nasagot lahat ng bakit?
    Di makapaniwala sa nangyari
    Pano mo naitama ang tadhana?

    Nung nakita kita sa tagpuan ni bathala
    May kinang sa mata na di maintindihan
    Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan
    At tumigil ang mundo
    Nung ako’y ituro mo
    At hindi ka lumayo
    Nung ako yung sumusuko
    At nagbago ang mundo
    Nung ako’y pinaglaban mo

    At tumigil ang mundo
    Nung ako’y pinili mo
    Siya ang panalangin ko