• 11

    Shanti Dope

    Shanti Dope feat. Gloc 9

    Back to Top 10

    SHANTI DOPE
    by Shanti Dope feat. Gloc 9

    Andami dami daming maiingay dun sa amin
    O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
    Kung sinong sumusulat at humihingang malalim

    At ‘di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing

    Gandang umaga haring araw
    Tulala sa kaning bahaw
    Pang-amoy na nabusog sa lumalapang
    alingasaw ng kalyeng kairitang halayang ininit lang
    Tiis lang ang lasa parang minumog na sinigang
    Pasok sa paaralan, ganon pa din pag-uwi
    Dakilang tagahiwalay ng dekolor sa puti
    Poso na nagturo sa’king pa’no humingang malalim
    Lumaki na gutom lamang ang ‘di kayang kalabanin
    Mababad man sa gawaing bahay
    Laging nangunguna pag nakahawak ng pluma ay nag-iibang anyuan
    Ani mo’y sinaniban ni Buddah, Shiva, Garuda, Kristo, Medusa
    Dami ng duda, dumami din ang mga balahibo na mas pinatayo

    Andami dami daming maiingay dun sa amin
    Bibihira kung dalawin ng grasya’t sariwang hangin
    Sa dami ng bukambibig kung nakakulong lang sa silid
    Mikropono lang pala ang kailangan upang ako’y madinig

    Andami dami daming maiingay dun sa amin
    O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
    Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
    At ‘di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
    Andami dami daming maiingay dun sa amin
    O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
    Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
    At ‘di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing

    Taas noo pa ding nakayuko
    Salop man ay madalas mapuno
    Sa kabila ng nagbabalak, apulahin ang apoy sa pasan na sulo
    Parang kadabuwan nakikipagbuno, tuwing araw ng dalaw laging madugo
    Ngayon man ay siniguradong makalaglag takuri kada bagong pakulo
    Napapakapit tuko lahat ng aking kuko
    Nakabaon ng malalim para lang hukayin ang mga diyamante sa aking bungo
    Andami nating gusto na ‘di magawa pagka’t ayaw nating matukso
    Mga bagay na ‘di mo na pwedeng gawin
    kapag ka dumating na ang ating sundo

    Pagkagaling sa eskwela, rekta palit kamiseta
    Takas sa pagkakatengga sa parisukat kong planeta
    Sa dinamidami ng mabenta pansakit sa kabila ang tenga
    ‘Di na malabong sulatan ko lang ang tanging magtunog riseta

    Andami dami daming maiingay dun sa amin
    Mga sikmurang mistulang hindi pa kumakain
    Sa dami ng bukambibig kung nakulong lang sa silid