• Sabik

    Jireh Lim

    Back to Top 10
    11

    Sabik
    by Jireh Lim

    Ako’y nasasabik sa’yo
    Sa yakap at lambing mo
    Naiisip ko pa lang malayo ka
    Ay kay lungkot
    Nababaliw ako pag naaalala ko
    Ang tamis ng iyong ngiting
    Lumiliwanag sa gabi

    Dinadama ko ang hiwagang
    Dulot ng iyong pagmamahal
    Huwag ka sanang magsasawa
    Ang tangi kong dinarasal

    Minamahal kita
    Kumupas man ang iyong ganda
    Makakasama ka
    Hanggang sa tayo’y tumanda
    Iibigin ka
    Kahit tumutol man sila
    Hilahin man tayo pababa
    Pag-ibig ko’y di mag-iiba

    Ako’y nasasabik sa’yo
    Sa lambot ng labi mo
    Nakatitig ka pa lang
    Ako’y nagiging marupok
    Naaaliw ako at nahahabag ako
    Sa tuwing dumadampi
    Ang palad ko sa’yong pisngi

    Dinadama ko ang hiwagang
    Dulot ng iyong pagmamahal
    Huwag ka sanang magsasawa
    Ang tangi kong dinarasal

    Minamahal kita
    Kumupas man ang iyong ganda
    Makakasama ka
    Hanggang sa tayo’y tumanda
    Iibigin ka
    Kahit tumutol man sila
    Hilahin man tayo pababa
    Pag-ibig ko’y di mag-iiba

    Minamahal kita
    Kumupas man ang iyong ganda
    Makakasama ka
    Hanggang sa tayo’y tumanda
    Iibigin ka
    Kahit tumutol man sila
    Hilahin man tayo pababa
    Pag-ibig ko’y di mag-iiba

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.