• Marikit

    Juan Caoile ft. Kyle

    Back to Top 10
    2

    Marikit
    by Juan Caoile ft. Kyle

    Ikaw ang binibini na ninanais ko
    Binibining marikit na dalangin ko
    Ikaw ang nagbigay ng kulay saking mundo
    Sana ay panghabang buhay na ito
    Ikaw ang binibini na ninanais ko
    Binibining marikit na dalangin ko
    Ikaw ang nagbigay ng kulay saking mundo
    Sana ay panghabang buhay na ito

    Oh binibini ko, ikaw ang nais ko
    Na makapiling sa buong buhay ko
    Laman ng panaginip, ikaw ang iniisip
    Di ko alam kong bakit ako ay nabibighani
    Sa tuwing ikaw, ay napapadaan
    Mga mata ko ay, kumikislap agad
    Korteng bote na, katawan mo at
    Mga ngiti mong matamis naba ay sakto na
    Sana’y mapansin, at ako’y dinggin
    Mga damdamin ko’y nais maparating
    Ako’y nadali ng mga ngiti mo at
    Mala angel na mukha sayo’y naakit na
    Oh Maria Clara ko, sayo’y hibang nato
    Ikaw ang kahulugan ng salitang buhay ko
    Ang tangling hiling, dyos iyong dinggin
    Ang babaeng marikit ay mapasakin
    Lahat hahamakin, makuha lang ang akin
    Kahit buong kalawakan aking kukuhain
    Oh aking binibini, ikaw ang pinipili
    Sa simula’t huli nang aking pag-ibig

    Ikaw ang binibini na ninanais ko
    Binibining marikit na dalangin ko
    Ikaw ang nag bigay ng kulay saking mundo
    Sana ay panghabang buhay na ito
    Ikaw ang binibini na ninanais ko
    Binibining marikit na dalangin ko
    Ikaw ang nagbigay ng kulay saking mundo
    Sana ay panghabang buhay na ito

    Ang iyong mukha, ay kabisado na
    Hindi mabubura pagkat ito’y kakaiba
    Oo marami pa dyang iba
    Ngunit ikaw lang talaga ang nag-iisa
    Di ka man ginto, pero ikaw ay mamahalin
    Pagbigyan mo lang ako na ikaw ay mapasakin
    Para bang nahulog ako sa mata as na bangin
    Di ko namalayan dahil sa iyong mga tingin
    Hubog ng yong katawan ay nakakatulala
    Kislap ng iyong mata’y tanawing napakaganda
    Di matatawaran kahit pa magdamagan
    Ko pa tong titigan diko to pag sasawaan
    Binubuhat mo ang aking pakiramdam
    Ang bigat nito ikaw ang nag pagaan
    Tayo ay nagkaaway at nagkayamutan
    Ngunit walang umawat kaya’t yun nag katuloyan
    Aking binibini, ikaw ang pinipili
    Sa simula’t huli nang aking pag-ibig
    Aking binibini, ikaw ang pinipili
    Sa simula’t huli nang aking pag-ibig

    Ikaw ang binibini na ni nanais ko
    Binibining marikit na dalangin ko
    Ikaw ang nag bigay kulay saking mundo
    Sana ay panghabang buhay na ito
    Ikaw ang binibini na ni nanais ko
    Binibining marikit na dalangin ko
    Ikaw ang nag bigay kulay saking mundo
    Sana ay panghabang buhay na ito

    Oh… ikaw binibini, ikaw ang pinipili
    Sa simula’t huli nang aking pag-ibig
    Ikaw ay nasa panaginip lang ang umasang makasama ka’y para na kong nahihibang
    Ikaw ay nasa panaginip lang ang umasang makasama ka’y para na kong nahihibang

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.