• Kapag Tumila ang Ulan

    Pseudo Red

    Back to Top 10

    8

    Kapag Tumila ang Ulan
    by Pseudo Red

    Nakita kang nag-iisa
    At tila kay lungkot ng iyong mukha
    Agad kitang nilapitan
    Dinamayan ka sa iyong problema
    Hawak ang iyong kamay
    Buong maghapon tayong magkasama
    Hindi kita iiwan
    Kahit palubog na ang araw
    Kapag tumila ang ulan
    At ang mata mo’y luhaan
    ‘Wag magdaramdam
    Darating din ang kaligayahan
    At kung ika’y iniwan niya
    At pag-ibig mo’y pinabayaan
    Narito akohandang magmahal sa tulad mo
    At ng tayo’y muling magkita
    May ngiting namumutawi sa iyong mukha
    Ngunit ngayon nalaman ko
    Sinaktan ka na naman pala ng sinta mo
    Hawak ang iyong kamay
    Buong maghapon tayong magkasama
    Hindi kita iiwan
    Kahit palubog na ang araw
    Kapag tumila ang ulan
    At ang mata mo’y luhaan
    ‘Wag magdaramdam
    Darating din ang kaligayahan
    At kung ika’y iniwan niya
    At pag-ibig mo’y pinabayaan
    Narito ako handang magmahal sa tulad mo

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.