• Ako Na Lang Sana

    Mark Carpio

    Back to Top 10

    8

    Ako Na Lang Sana
    by Mark Carpio

    Minsan na lang akong umibig
    Ako ba’y nagkamali
    ‘Di sinadyang mahulog sayo
    Mayron bang nagmamay-ari
    Kahit na anong pilit
    Katotohana’y may galit
    Dinggin ang sigaw ng damdamin
    Ako na lang sana
    Ang iyong minahal
    Ako na lang sana
    Ang iyong ligaya
    Ako na lang sana
    Hanggang pagtanda
    Ako na lang, sinta
    Pagsubok lang ba
    O di para sa akin
    Dapat nga bang bumitiw
    Ba’t nagtagpo ang ating puso
    Kung ikaw rin ay aalis
    Pag ibig ko’y di mapigil
    Kahit na may pighati
    Dinggin ang sigaw ng damdamin
    Na ako na lang sana
    Ang yong minahal
    Ako na lang sana
    Ang yong ligaya
    Ako na lang sana
    Hanggang pagtanda
    Ako na lang, sinta
    Pilit kong ipaglaban
    Ang kapalarang hindi na matagpuan
    Kaya ayoko na sanang magmahal
    Ayoko na sanang muling umasa
    Ayoko na sanang masaktan
    Ngunit ikaw ang mahal
    Ikaw na lang sana
    Ang nakalaan
    Ikaw na lang sana
    Ang tanging kayakap
    Ikaw na lang sana
    Wala ng iba
    Ikaw na lang, mahal

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.