Nicole Hyala

Nicole Hyala

Real name: Emmylou Gaite – Tinana

Edad: Age is just a number. Kalabaw lang ang tumatanda! Hahahahaha!

Awards/citations received: kelan? Elementary, high school o college? Achiever ako e. Epal sa school. Hahahahaha! Yoko na i-mention lahat, baka sabihin niyo nagyayabang ako e. Hahahaha! Kaya sa college na lang. Kahit hindi halata, cum laude ako. Sa pagiging dj naman, nakatanggap na ako ng mga parangal bilang Best Female DJ mula sa Gawad Tanglaw, UP gandingan, Top Brand Awards, Star Brand Awards, Lyceum Umalohokan, PUP Mabini Awards, Yahoo Awards. Nakakuha na rin ako ng award bilang best Novelty Artist sa Guillermo. Sabi sa’yo, achiever ako e. Epal to the maximum level. Hahahaha!

Dream name: Ashley Mae. Hahahahaha! Kasi may ka-klase ako nung high school na ashley ang pangalan. Super ganda nun! Lagi kong tinititigan! Kaya simula noon, gusto ko ashley pangalan ko. Hahaha! Yung mae naman, may kaklase din ako na mae na super yaman. May sariling jet. May tatlong resort at isang bapor. Kaya ayun. Gusto ko rin na mae ang pangalan ko kasi gusto ko yumaman ng husto para makabili ako ng sariling isla! Ilalagay ko sa isla na yun lahat ng mga ex kong sinaktan ako. Tapos susunugin ko yung isla. Hahahahahahahaha!

Estimate, ilang pilik mata na ang nabili mo sa buong buhay mo?: Yung totoo, di ko na mabilang. Adik ako sa pagpapalagay ng pilikmata. Kasi gusto ko pag-gising ko sa umaga, instant ganda! Hahahahaha!

Gaano katotoo ang sinasabi ng partner mo na si Chris Tsuper na may ex-dyowa kang gang lord?: Truelaloo at walang halong eclavou! Hahahahaha! May ex din akong tomador, swindler, estafador at dating kriminal. Wala akong pinapalagpas! Hahahaha! Joke lang. Syempre, mapili ako. Waley akong jowa na gang lord. Drug lord lang. Hahahahaha! Joke uli!

Bukod sa jeep, ano pang mga sasakyan ang hinabol mo dahil sa mga ex-dyowa mo?: Well, dahil talentado ako, sinubukan ko ring habulin ang MRT. Andun ang jowa ko eh. Diba sabi nila, follow your heart? So ayun. Hahahahaha!

Bukod sa perang baon mo noong kolehiyala ka pa, ano pa ang mga bukal sa puso mong naibigay sa mga dati mong kasintahan?: Kalurkei. Babalik nanaman ako sa kwento na nagbigay ako ng mamahaling bracelet na hinuhulog-hulugan ko sa intsik. Hiwalay na kami, naghuhulog pa ako! Hahahahaha!

Bagay o ugali na lagi mong namimiss kay Jowadik?: His dimples! Ang lalim! Minsan nga, dun ko nilalagay cellphone ko e. Hahahahaha!

Ano ang mga bagay na natutunan mo bilang isang mommy ng isang Princess Nicolehyala?: Na capable pala ako sa multi-tasking! Kaya ko palang magbreastfeed habang naka-ere sa radyo! At kaya ko pala magkilay habang naghehele ng bata. Hahahahahaha!

Kung magkaka-award agad si Princess Nicolehyala sa school, anong award ang sa tingin mo ipaglalaban mo makuha lang ni Princess?: Pinakamagandang Mommy Award! Hahahahahaha!

Klase ng taong ayaw mong makasama: ayaw ko ng english ng english tapos di naman bagay. Hahahaha! Ayaw ko rin nakasuot ng kulay gray/ green/ blue na contact lens, tapos sabay sasakay ng jeep! Hahahahaha! Ayoko rin ng mga nagsusuot ng doll eyes na contact lens. Kakainis. Feeling nila, ikinaganda nila. Hahahahaha! May poot?

Paano ba kiligin ang isang nicole hyala?– Lahat ng vowels ko nagiging letter E. Saka nagkakaroon ako ng instant braces. Ganito : e keshe nemen e, kekeenesh ke.