Walang madaling relasyon, lahat dumadaan sa pagsubok

July 3, 2020

“Very light lang ang sitwasyon. No pressure. Go with the flow lang ako kasi inaamin ko naman sa sarili ‘ko na gusto ko na siya kahit alam ko sa sarili ko na he is already taken.”

Ako si April.

Simula bata ako hangang elementary ay lumaki akong palaging barber-cut ang buhok ko kahit na alam ko naman sa sarili ko na babae ako. Kasi ang sabi ng lola ko ay maganda, neat daw tignan at hindi lapitin ng kuto. Ang grabe diba?! Minsan pa, pagkauwi ko ng bahay galing eskwela ay magugulat na lang ako na inaantay na ‘ko ng baklang manggugupit sa bahay namin para gupitan ng maikling ang buhok ko.

Kasabay ng pagiging dalagita noong nag-highschool ako taong 2004-2008, nagsimula na rin akong ma-attract sa opposite sex. Siguro no’ng mga panahon na ‘yun, curious ako sa pambansang tanong sa slambook na, “what is love? or Define Love”.

Sundan ang susunod na mangyayari sa secret file ni Kabisyo April sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.