Wala pang kami pero iniwan na niya ako

September 9, 2019

Itago niyo ko sa pangalang Sasha.

“Our love is like a journey, starting at forever, and ending at never.”

May bestfriend po ako, si Paul (not his real name), bata pa lang kami lagi na kaming magkasama siguro mga 5 years old ako no’n at 7 years old si Paul.

Hanggang sa lumipas ang panahon nagdalaga’t binata kami, pero malapit na magkaibigan na kami. Alalang alala ko pa, kaka-break lang namin ng boyfriend ko, so s’yempre best friend ko si Paul kaya siya dapat ang nasa tabi ko pero iba ang nangyari, pilit ko siyang pinalalayo sa akin dahil ayokong may nangingialam sa buhay ko at that time.

Hanggang sa makita niyang masama ‘yung tingin ko sa kanya, nginitian niya lang ako. Lumapit siya sa akin at niyakap ako, doon ako umiyak nang umiyak sa kanya. Pero, keri niya lang kahit nabasa na ‘yung tshirt niya dahil sa mga luha ko, tapos pagkatapos ‘kong umiyak, hinalikan niya yung noo ko at chineer ako na magmove on na.

WAHHHHHH. Ang perfect naman nila sana para sa isa’t-isa suportahan lang as BFFs at walang iwanan sa malungkot na parte ng buhay. Pero, ano nga bang naging dahilan at hindi sila ang nagkatuluyan? Sundan ang kwento ni Sasha sa Dj Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.