Umurong na ako sa kasal

June 13, 2019

Ako po ulit si Nate, ‘yung letter sender niyo na nainlove sa aking kababata na si CJ. ‘Yung unang secret file ko po ay na-ere noong January 22. Sumulat po ulit ako para isalaysay sa inyo ‘yung kadugtong na nangyari sa’min until now at present.

After ko pong magsend ng SF ko sa inyo, nagdecide ako na ‘wag na muna mag-open ng mga social media accounts ko, maybe because I wanted to be alone at para na rin makapag-isip, at isa na rin sigurong reason ko ay dahil natatakot ako sa magiging move ni CJ sakaling mapakinggan niya ‘yung SF ko.

Then, 15th of December, umuwi  ako sa Pilipinas para kausapin ang fiance ko and also to set things right. I met her and we talked. I told her that I can’t marry her and I am so sorry about it. Bago siya umalis ay niyakap ko siya at pinasalamatan. After nun nawala yong bigat sa dibdib ko. We ended up everything right there.

Isang araw, kahit gabi na ay nag-drive ako at lumuwas ako ng Cavite, tiyempo namang pagdating ko nakita kong bukas pa ang ilaw ng bahay nila, I can also hear the sound na nagmumula sa TV. Suddenly,  I heared a sound na para bang may nabasag na plato kaya dali dali kong pinuntahan kong saan nanggaling ‘yung ingay, then nanlamig ako ng makita ko si CJ na nakahandusay at walang malay, katabi ng nabasag na pinggan, dali dali ko siyang inangat at dumoble ‘yung kaba ko ng mahawakan ko yong malagkit na likido sa ulo niya, tiningnan ko yong kamay ko at nakita ko yong dugo na nanggagaling sa sugat niya sa ulo. I carried her and brought inside my car and drove to the nearest hospital. Abot abot yong dasal ko na sana walang masamang mangyari sa babaeng mahal ko.

So ano na agad ganap? After umurong sa kasal, tuluyan na nga bang mawawalan ng lovelife si Nate? Tutukan ‘yan sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.