Umattend ako sa kasal ng boyfriend ko at bestfriend ko!

October 5, 2018

Itago na lamang daw ang pangalan ng ating letter sender bilang “Tina” at ang kanyang boyfriend na si “Tan”.

Noong 16 years old si Tina nung nakilala niya si Tan at ang mga kaibigan nito.

Lagi silang tinutukso ng mga taong nakakakilala sa kanila dahil lagi silang magkasama.

Mahal niya si Tan, pero hindi alam ni Tina kung may gusto ba sa kanya ito.

Nung araw na nagsama-sama sila sa isang overnight ay naglaro sila magkakaibigan ng spin the bottle kaya nagkaaminan silang dalawa na may gusto sila sa isa’t-isa.

Naging magkarelasyon sila matapos ng kanilang travel.

Masasabi ni Tina na perpekto ang kanilang naging relasyon ni Tan.

Nagpropose si Tan nung ikaapat na anibersaryo nila at agad-agad silang nag-asikaso para sa kasal nila.

Isang buwan na lang ang hinihintay nila para sa kasal ngunit naaksidente si Tan sa sinasakyan nitong kotse kaya ginawa nila ang lahat para sa araw ng kasal nila ay magising na ito.

Ano kaya ang mga naging kaganapan sa Raqi’s Secret File na ito? Subaybayan mo na, Kabisyo!

Comments