Si Bestie ang tatay ng mga anak ko!

September 12, 2019

Paglabas ng classroom, may lalaking naghihintay sakin. Nursing siya.

“Ikaw ba si Clara?” tanong niya.

“Oo, bakit?” sagot ko.

“Sumama ka sakin, may ipapakita ako sayo.” sabi niya.

Dinala niya ako sa gilid ng Nursing Building.

Mula sa malayo, nakita ko ang boyfriend kong nakaupo mag-isa.

“Boyfriend mo siya, di ba?” tanong niya.

“Oo, bakit? Bakit mo siya kilala? Anong ginagawa natin dito?” sabi ko.

Nakita kong may babaeng dumating at humalik sa boyfriend ko.

“At siya ang girlfriend ko… ang babaeng pinakamamahal ko…” sambit niya.

Nadurog ako sa mga nakita ko. Namanhid ang buong katawan ko. Nanginig ako dahil sa galit at sakit. Parang sinusuntok ako sa dibdib ng paulit-ulit. Gusto kong lumapit pero di ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Wala akong nagawa…

OHHHHHHW!┬áBakit naman kaya ganoon ang naging tadhana ni Clara? Sundan ang susunod na mangyayari sa Dj Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.